Sofia Kezia Cabaro
Isang bagay na maipagmamalaki ng isang mabuting kabataan ang magkaroon ng makapag aral sa unibersidad, makapagtapos magandang edukasyon makapasok at ng kursong ninanasa, magkaroon ng mataas karangalan at makapagtrabaho ayon sa propesyon. yan ang bagay na nagtutulak sa kaniya para lalong magsumikap at maging matagumpay.
Ngunit ano nga ba ang sukatan ng tunay na tagumpay?
Isa ang kapatid na Sofia Kezia Cabaro mula sa Lokal na iglesia ng Tuguegarao sa nabiyayaan ng Panginoon ng katalinuhang ninanasa ng maraming kabataan. Mula pa man sa elementarya at sekondarya ay naging consistent honor student na ang kapatid na Kezia. Siya ay nakapagtapos sa kolehiyo ng kursong Bachelor of Science in Medical Technology sa Cagayan State University, Tuguegarao City at nakapagtapos nang may karangalan bilang Cum Laude.
Sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, iba’t Ibang parangal ang kaniyang natanggap kagaya na lamang ng pagiging Outstanding Leader of the University na isa sa pinakamataas na parangal. Siya din ay isang student writer at Consistent Dean’s Lister at President’s Lister ng kanilang unibersidad. Nakamit din ng kapatid na Kezia ang pinakamataas na parangal bilang Number 1 Full Academic Scholar ng kanilang unibersidad buhat sa 25,000 estudyante sa buong probinsiya ng Cagayan. Nabiyayaan din ang kapatid na Kezia na lumahok sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng kanilang kompetisyon na nasalihan niya ay National Quiz Bee for Medical Technologist.
Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na nakamit ng kapatid na Kezia, Isang bagay lamang ang naging kaniyang kaisipan at paninindigan na sa pamamagitan niya ay magawa niyang maluwalhati at mapasalamatan ang Panginoon sa lahat ng biyayang kaniyang natamo Ito ang totoong tagumpay para sa kaniya ang tagumpay ng Dios. Hindi niya inaring malaking bagay ang bunga ng pagnanasang maging kaluguran ng kaniyang mga nakamit na tagumpay upang ipagmapuri sa sarili kundi bagkus ito ang nag akay sa kaniya upang lalong maging mapagpakumbaba sa Dios.
“Kumbaga damdamin ng isang ordinaryong kabataan, kung titignan mo yung mga achievements ko at narating ko noon, parang nakaka-overwhelm naman, parang wow! Ang sarap naman! Pero sakin, ang naging damdamin at kaisipan ko noon ay lumat ng bagay ay galing sa Dios. Kaya kung narating sukat na maipagmapuri dahil ang lahat ng mo man ang mga bagay na iyon, wala kung mga bagay ay ibinigay ng Dios sa’yo. Katiwala ka lamang at kung ikaw man ay nagagamit ng Dios at ikaw ay naging kaluwalhatian Niya, yan ang dapat mong ipagpasalamat.”
Dahilan sa lumaki sa pamilyang naglilingkod sa Dios ang kapatid na Kezia, sa kaniyang murang gulang pa lamang ay naging pagnanasa na niya ang magpagamit ng buhay sa Panginoon, Iningatan na niya sa kaniyang puso ang pangarap na balang araw ay lubusan din niyang maibibigay ang kaniyang buhay sa misyon.
“I have always believe that the ultimate duty of man is to serve God and I remember one day apostle said, without serving your purpose, you are useless because God did not created us in vain, unless you decide to be in vain so you have to stand up and used by God. You have to stand for the glory of God and you have to fight for the Lord.”
Ang panahon ng pagiging kabataan ng kapatid na Kezia ay masasabing makabuluhan hindi lamang dahil sa siya’y naging matagumpay sa kaniyang pagaaral. Bilang isang kabataan sa loob ng iglesia, lagi niyang sinisikap at ipinakikipaglaban ang gawain ng Panginoon. Naroon ang lagi niyang damdamin na makagawa ng mga di pangkaraniwang paglilingkod para sa Panginoon.
Nabiyayaang maging President sa lokal at Vice President sa Area ang kapatid na Kezia. Dahilan sa kaniyang laging pakikibahagi sa mga Salita ng Dios na dala ng Kaniyang mga sugo ang nagbigay sa kaniya ng malaking hamon at higit na nagpalalim at nagpatibay ng kaniyang pagnanasa na ipagamit ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon.
“I became a very active youth. Kapag may holidays, semestral break at bakasyon, lagi akong nasa Church doing a work of a pastoral staff. Hanggang sa biyaya ng Panginoon, nakagraduate ako ng High School, doon ako nagkaroon ng lakas ng loob at doon ko talaga pinagpasiyahan na magpaalam sa pamilya ko na titira na po ako ng Chapel at gusto ko na pong mag-pastoral staff habang nagaaral po akong College.”
Napagpasiyahan ng kapatid na Kezia na magpagamit ng buhay sa Panginoon sapagkat naiisip niyang ito lang ang pinakamabuting paraan para pasalamatan niya ang Dios. Ang magtalaga ng buhay sa Panginoon ay hindi isang kalugihan ang kaniyang pinanghahawakan mula nang siya ay magtalaga ng buhay sa Panginoon. Malaki ang naging bahagi ng sugong apostol sa pagtatalaga ng buhay ng kapatid na Kezia. Ang buhay ng sugong apostol ay naging halimbawa ng pagbibigay ng buhay sa Panginoon.
“Gather the lost sheep. We are in the end of the last days and the world destined to destruction. When will you give your life for the Lord?” – yan yung mga salitang iniwan na tumatak.